Saturday, February 24, 2007

BLOGalog

Finally, a slow day. What to do? What to do? I know! I'll blog in Filipino.

Kung araw-araw mo ginagawa ang isang bagay --- masasabi mo kayang gusto mo talagang ginagawa ito? O sanay ka na lang? Kung ititigil mo ng biglaan: Hahanap-hanap hanapin mo ba ito? O matutuwa ka pa na hindi mo na ito kailangan gawin. Katulad ng... pagtatrabaho.

Oo. Ayoko na magtrabaho. Gusto kong nakahilata lang. May beer sa kanang kamay. May crispy pata sa kaliwa. At may harem sa paligid. Harem – yun bang sandamakmak na babae na naka paligid sa mga sultan. May nagpapaypay, maynagpapakain, may nagbubuhos ng alak. Yun. At yung isa sa harem, ka-opisina ko.

Alam ko, kaibigan. Imposible ito. Pero bawal ba mangarap? Oo, sasabihin mo na kailangan ko magtrabaho para makamtam ko itong pangarap na ito. Pero namfuta naman. Ilang taon na ako nagtatarabaho. Hanggang beer at crispy pata lang ako. Minsan beer at prench pries lang. Anak ng bungal na pating! Asan na ang harem ko?!!! Ilang taon pa ba ang gugugulin ko sa impyernong may "flourescent lighting" na ito upang makamtam ko ang aking minimithi? Ilan?!!! Kausapin ko na kaya yung ka-opisina ko?

Pero sa ka-patasan (in fairness), may mga kaiga-igaya at bukod tangi rin naman dito sa opisina namin na hindi mo basta-basta maipagpapalit.

Nandyan yung taga-pagtanggap ng tao (receptionist) na taga-sagot na din ng telepono. Kada-anim na buwan, nagpapalit ng mukha, boses, at pangalan. Iisipin mo talagang ibang tao na siya sa ka-buoan. Pero sa loob-loob mo, siya pa rin yun e. Nakakakilabot. Pramis.

Nandyan rin yung babaeng taga-ADMIN na parang parating praning at wala sa sarili pag-nakakasalubong mo sa daanan. Nagsasalita habang naglalakad. Tumatawa rin. Mag-isa. May mga araw naman makakasalubong mo siya at ikaw naman ang mag-isa. Tapos ay babatiin ka niya... at ang kasama mo. Minsan mapapaisip ka talaga. Hindi mo na alam kung sino ang naglalasing sa inyong dalawa pag-gabi.

Meron din akong ka-opisina na araw-araw ay magatatanghalian sa labas. At pagbalik ay parating may dalang supot ng mga binili niya sa LANDMARK. Araw-araw. Walang patid. Ano yun? Araw-araw may nakakalimutan siyang bilhin? Alam ba nya ang salitang "listahan"? Matanong nga.

Iba’t ibang tao dito. Puro karakter. Pero mababait naman. Masaya. Kahit papaano, ginagawang kakaiba at hindi kasawa-sawa ang bawat araw ko sa aking biyahe patungo sa aking tinatamasang pangarap.

Pero sana lang, wag sila makasama-sama sa harem ko.

2 comments:

Anonymous said...

amrn to dat bra!

Anonymous said...

*amen... (hic)